^

Metro

Assault rifle, 3 baril nasamsam sa bahay sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Assault rifle, 3 baril nasamsam sa bahay sa Maynila
sinalang sa ballistic examination ang mga kinumpiskang M16 rifle, isang caliber .40, dalawang unit ng calibre 45 at mga magazines na punong-puno ng mga bala.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng  Manila Police District-Sta. Ana Police Station ang isang assault rifle at tatlong handgun sa inabandonang silid ng isang tenant sa Sta. Ana, Maynila  nitong Enero 30.

Isinalang sa ballistic examination ang mga kinumpiskang M16 rifle, isang caliber .40, dalawang unit ng calibre 45 at mga magazines na punong-puno ng mga bala.

Pinasok ng mga tauhan ng Sta. Ana Police sa pangunguna PLt.Col. Dionelle Brannon noong  Enero 30, 2025  ang kuwartong inokupa ng suspek na si alyas “Roger” sa  apartment na mata­tagpuan sa Suter Extension, Sta. Ana, Maynila matapos magpalabas ng search warrant ang Manila Regional Trial Court Branch 18.

Sa panayam kay Col. Brannon, hepe ng Sta Ana Police (Station 6), nag-ugat ang pagkadiskubre sa mga baril nang ireport ng mga residente at barangay officials ang naganap na komosyon alas-3:40 ng madaling araw noong Enero 14, 2025, sa labas ng nasa­bing apartment.

Isang grupo umano ng kalalakihan ang nakaparada sa labas ng apartment nang may dumating din na grupo ng kalalakihan at nagkaroon  ng tutukan ng baril hanggang sa makatakas ang grupong kinabibilangan ng tenant.

Kasunod nito ang pagpasok umano ng isang lalaki sa kuwarto ng tenant na posibleng hindi nai-padlock ang pinto.

Bunga aniya, ng nai­dulot na tensyon ng nasabing komosyon, ­inireport ng mga residente sa awtoridad  dahilan upang makipag-ugnayan sa may-ari ng apartment ang pulisya at barangay officials sa pagpasok sa apartment.

Bumungad sa kanila ang mga kagamitang kalat-kalat at sa isang laundry basket ay nakita ang isang M16 na kinunan lang ang serial number para sa verification.

Nakita rin sa ilalim ng laundry basket ang iba pang mga baril at mara­ming mga bala.

Natuklasan na ang M16 ay nakarehistro  sa ibang pangalan na hindi naman sa mismong tenant at patuloy pang iniimbestigahan kung paano napunta doon habang ang iba pa ay patuloy na inaalam kung nasangkot sa pagpatay o pamamaril.

Ani Brannon, hindi na lumulutang ang pakay na tenant simula noong Enero 14. Napag-alaman din niya sa may-ari ng apartment na taong 2023 pa nangu­ngupahan si alyas Roger kasama ang asawa at anak at noong Disyembre 2024 ay hindi na nakita ang mag-ina doon.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa background ng tenant upang matukoy kung may kinaanibang grupo o sindikato at kung anong iligal na aktibidad ang kinasangkutan, ga­yundin ang imbestigasyon sa intruder na pumasok sa unit nito, na posibleng may atraso ang tenant.

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->