19.61% ibinaba ng krimen sa Metro Manila – NCRPO

MANILA, Philippines — Mas mababa ang krimen o index crimes rate sa Metro Manila sa buwan ng Enero 2025 kumpara sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.
Naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 19.61% pagbaba ng Index Crimes ng Enero 1-31, 2025 ay sa pagpapatuloy ng momentum na ipatupad ang Able, Active, and Allied (AAA) policing approach sa 8 focus crimes, na pinasimulan ni NCRPO Acting Director, P/Brigadier General Anthony Aberin.
Sa kabuuan, nasa 451 ang naitalang krimen na mas mababa ng 110 kumpara noong nakaraang taon.
Ang mga insidente ng rape ay bumaba sa 46.49%, physical injury na 37.14%, homicide na 28.57%, murder na 17.65%, at robbery na 23.05%.
Naitala rin ang 92.46% para sa crime clearance efficiency at 72.73% para sa crime solution efficiency, ayon pa sa NCRPO.
Samantala, sa mula alas-6:00 ng umaga ng Pebrero 1 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Peb. 2 ay nakapagtala naman ng 53 nadakip sa isinagawang 39 na anti-criminality operations; naaresto ang 44 na top wanted, most wanted, at other wanted persons; sa illegal drugs ay 123 ang naaresto sa 46 operations na isinagawa at nasamsam ang nasa P3,031,984.00.
Nasa 6,042 naman ang naaresto sa paglabag sa lokal na ordinansa na may katapat na multang P1,651,800.00.
- Latest