561 pulis at sibilyan nabigyan ng serbisyong medika
Alagang QCPD Program
MANILA, Philippines — Umaabot sa 561 pulis at sibilyan ang nabigyan ng serbisyong medikal sa ilalim ng ‘Alagang QCPD Program’ ni Quezon City Police Director PCol Melecio Buslig, Jr.
Ayon kay Buslig ang pagbibigay ng medical services sa mga pulis at sibilyan ay indikasyon ng pagbibigay prayoridad ng pamunuan ang kalusugan at kapakanan ng kanyang mga tauhan.
Matagumpay na nagsagawa ng isang buwang health visitation ang QCPD Medical and Dental Unit (DMDU), sa pamumuno ni PLtCol. Van Jason Villamor, mula Enero 1 hanggang 31, 2025, sa iba’t ibang himpilan at yunit ng QCPD.
Layunin ng health visitation na magbigay ng komprehensibong serbisyong medikal at dental upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng mga tauhan ng QCPD.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang health assessments, diet at nutritional counseling, health lectures ukol sa mga karaniwang sakit at paano ito maiiwasan, stress management workshops, at dental consultations.
- Latest