^

Metro

Pangulong Marcos dumalo sa Partido Federal leader’s summit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pangulong Marcos dumalo sa Partido Federal leader�s summit
Sa kanyang pambungad na pananalita, mainit na winelcome ng tagapangulo ng PFP na si Governor Reynaldo Tamayo ang mga du­malo sa summit na pinangunahan nina Pa­ngulong Marcos at top 3 senatoriables na sina Senator Francis “Tol” Tolentino, dating DILG Sec. Benhur Abalos at dating Sen. Manny Pacquiao.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Isinagawa ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Leader’s Convergence Summit na dinaluhan ng nagsisilbing PFP chairman na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Manila Hotel, sa Maynila kamakalawa.

Daan-daang lider na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakibahagi sa nasabing leader’s summit ng PFP na sinimulan sa presentasyon alas-10 ng ­umaga ng Commission on Elections (Comelec) na nag-demo sa gagamiting makina sa halalan at para sa ginagawa nilang paghahanda sa nalalapit na May 12, 2025 elections.

Sa kanyang pambungad na pananalita, mainit na winelcome ng tagapangulo ng PFP na si Governor Reynaldo Tamayo ang mga du­malo sa summit na pinangunahan nina Pa­ngulong Marcos at top 3 senatoriables na sina Senator Francis “Tol” Tolentino, dating DILG Sec. Benhur Abalos at dating Sen. Manny Pacquiao.

Sa talumpati ni Pang. Marcos sa PFP summit na may temang “Tugon at Aksyon sa Pag-unlad”, sinabi nito na dahil sa katapusan na ng ­Enero, at ilang araw na lang ay magsisimula na ang campaign period, ito na aniya ang pagkakataon nila na huling magkakasama-sama at last chance na nilang magpulung-pulong para pag-usapan ang iba’t ibang isyu.

“And this might be the last chance for some of us to be able to bring to the national leadership of the party the issues that are fa­cing the – all of you, kayong mga governor, kayong mga mayor, ating mga senador na kandidato,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Itinaas din ni Pangulong Marcos ang mga kamay nina Tolentino, Abalos at Pacquiao na kabilang sa 12 na pambato ng administrasyon sa pagka-senador sa May 2025 elections.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with