^

Metro

5 pang ‘Chinese spy’ arestado sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 pang ‘Chinese spy’ arestado sa NBI
Five Chinese nationals allegedly involved in an espionage case in the country face the media during a press briefing at the National Bureau of Investigation (NBI) office in Pasay on January 30, 2025
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Lima pang Chinese nationals na pinaniniwalaang sangkot din sa pag-espiya sa bansa ang iprinisinta sa media ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Ret. Judge Jimmy Santiago matapos na maaresto ng NBI-Special Task Force (NBI-STF), sa serye ng hot pursuit operations noong Enero 24 at 25, 2025.

Kasama sina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. Justice Asec. Eliseo Cruz, sinabi ni Santiago na sina Cai Shaohuang alyas ­“Richard Tan Chua” (Field Commander), Cheng Hai Tao, alyas “Lestrade” (Intelligence Operative), Wu Cheng Ting alyas “Brawn” (Intelligence Operative), Wang Yong Yo alyas “Watson” (PRO & Financier), at Wu Chin Ren (Miyembro) ay natukoy sa isinagawang validation process ng NBI-STF na pawang miyem­bro ng Qiaoxing Volunteer Group of the Philippines, at ng Philippine China Association of Promotion of Peace and Friendship, Inc.,

Ang grupo ay namonitor sa Barangay Buenavista, Puerto Princesa City, na nagpapanggap na mamimili ng marine products, guma­gala sa lungsod at nagsu-survey sa mga istasyon na nagbebenta ng mga produkto.

Madalas umano ang grupo na nakikita sa Ulugan Bay, sa Puerto Princesa, Palawan, na nagsasagawa ng aerial surveillance at reconnaissance, kumukuha ng imagery intelligence sa Naval Detachment Oyster Bay (NDOB) sa Brgy. Bahile, na bahagi ng Naval Forceces West (Navforwest) ng Phil. Navy, at nakaposisyon malapit sa South China Sea.

Natukoy naman mula sa mobile devices ng mga espiya ang mga larawan ng Buliluyan ports, Coast Guard station, mga barko, maliit na navy crafts/assets, at mga pantalan.

Ang iba pang mga larawan ay nagpakita ng Del Pilar Class PS 16 ng Philippine Navy, mga mapa ng lupain na tinatanaw ang Subic Bay International Airport, Naval Operating Base Subic, at isang Chinese character na marka na naka-embed sa screenshot na may arrow mula sa Barreto, Olongapo na tumuturo sa Naval Operating Base Subic . Nadiskubre rin ang mga footage ng Philippine Coast Guard (PCG) Vessels BRP Teresa Magbanua at BRP Gabriela Silang, na nakadaong sa PCG-Maritime Safety Service Unit NCR-Cluster.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with