Practical test sa motorcycle riders, hihigpitan ng LTO
MANILA, Philippines — Hihigpitan na ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsasalang sa practical test para sa motorcycle riders bago maisyuhan ng driver’s license ng LTO.
Pahayag ito ni LTO chief Vigor Mendoza kasunod ng aksidente kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway na isa patay at may sugatan.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza, hindi na ngayon maaari ang pag- atras abante lamang ang gagawin ng rider bago makakuha ng lisencya.
Aniya may identified areas na silang nakita para sa pagsasailalim sa practical driving courses nationwide ng mga riders.
“We’ll try to target the major cities immediately. Siguro in the next 45 days, ma-set up na ‘yung facilities. So next time, yung mga kumukuha ng lisensya after 45 days, they will really pass through practical driving first.
- Latest