^

Metro

Delivery rider timbog sa P1.5 milyong cocaine, ecstasy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Delivery rider timbog sa P1.5 milyong cocaine, ecstasy
This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay

MANILA, Philippines — Kulong ang isang delivery rider matapos na makuhanan ng iba’t ibang iligal na droga matapos na masita sa Comelec checkpoint sa Caloocan City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report na isinumite ni Caloocan City Police chief PCol. Edcille Canals kay Northern Police District Director PCol. Josefino Ligan, alas-11:45 ng gabi nitong Miyerkules nang dakpin ang suspek na si alyas Jonathan, 24, ng Bagumbong Caloocan City.

Nagsasagawa ng Comelec checkpoint ang Caloocan City Police Sub Station 9 sa pamumuno ni PMaj. Segundino Bulan nang parahin ang suspek dahil sa walang suot na helmet.

Tinangka pang tumakas ng suspek subalit naharang pa rin ito ng mga pulis.

Sa pagsisiyasat, napag-alaman na wala ring driver’s license ang suspek

Nang inspeksiyunan ang kanyang delivery bag, nakita ang 11 kilo ng marijuana bricks, 1 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 60 piraso ng ecstasy tablets, mga bote ng liquid marijuana, sachet ng cocaine na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ayon kay Ligan ang pagkakahuli sa suspek ay indikasyon na mahigpit na naipatupad ng kanyang mga tauhan ang batas at kanilang tungkulin alinsunod na rin sa programa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Anthony Aberin na AAA Stra­tegy – Able, Active, and Allied.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with