HDO inisyu vs 29 na pulis sa P6.7 bilyong drug haul
MANILA, Philippines — Nagpalabas ang Manila Regional Trial Court (RTC) ng hold departure order (HDO) laban sa 30 pulis na sangkot sa kuwestiyonable operasyon kaugnay sa P6.7 bilyong iligal na droga, sa Tondo, maynila noong Oktubre 2022.
Sa isang 11-pahinang kautusan, pinagbigyan ng Manila RTC Branch 44 ang mosyon ng prosekusyon, na posibleng makalabas ng bansa ang mga akusado.
Sa mosyon ay iginiit ng prosekyusyon na ang, “probability that the accused will depart from the Philippines to evade arrest and prosecution of the offenses charged against them, in view of the gravity and the nature of the cases as well as their financial capacity to facilitate their departure.”
Inatasan din ng korte ang Bureau of Immigration na ipatupad ang kautusan.
Nabatid na iniulat nitong Lunes ang pagkumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isang retiradong heneral na kabilang sa mga kinasuhan ang nakalabas na ng bansa.
Kabilang sa may HDO ay sina PLt. Gen. Benjamin Santos Jr., former deputy chief for operations; Brig. Gen. Narciso Domingo, former Drug Enforcement Unit director; at dismissed intelligence officer MSgt. Rodolfo Mayo Jr., ang itinuturong pangunahing suspek sa nasabing drug operation.
Inakusahan ang mga pulis sa pagtatanim ng ebidensya at pagkaantala sa pag-uusig ng mga kaso.
Nakuha ng mga opisyal ng pulisya ang 42 kilo ng shabu bago ang imbentaryo ng mga nakumpiskang 990 kilo ng iligal na droga, batay sa security footage na kalaunan ay narekober din.
- Latest