^

Metro

Kelot, grinipuhan ng ka-live in

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang family driver ang patay matapos na saksakin ng kanyang live-in partner nang magkaroon ng mainit na pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Jino Basilio, 36, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang live-in partner nito na si Karen Martinez, 36, kapwa residente ng Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen bandang alas-6:45 ng gabi nitong Martes sa bahay ng biktima at suspek.

Ayon sa saksing si “Ana” kapitbahay ng biktima at suspek na narinig niya ang dalawa na nag-aaway.

Pinuntahan niya sa bahay ang mag-live in upang awatin hanggang sa madatnan niya sa hagdan si Basilio na hawak ang tiyan na duguan dahil sa saksak.

Humingi naman ng tulong ang suspek na si Martinez kaya agad na isinugod sa ospital ang biktima.

Nabawi naman sa suspek ang kutsilyong ginawa sa krimen.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspek.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with