^

Metro

6-anyos bugbog sarado sa nanay ng kalaro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6-anyos bugbog sarado sa nanay ng kalaro
Undated file photo released by the United Nations Children's Fund shows children playing together outdoors.
UNICEF / Joshua Estey, File

Suspek itinuro ng sariling anak

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 6 na taong gulang na batang babae makaraang bugbugin at iuntog ang ulo sa inidoro ng apat na beses ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City.

Inoobserbahan pa rin sa ospital sa Quezon City ang biktimang si alyas Ine matapos na sumailalim sa maselang operasyon.

Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at pasa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Mismong ang anak ng suspek ang nagturo na may kagagawan sa sinapit ng kanyang kalaro.

Ayon ay PCpt. Romel Caburog, hepe ng  Caloocan City Police Hillcrest Police Sub Station, sinabi ng anak ng suspek na naglalaro sila ng biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang kanyang ina.

Sa hindi malamang dahilan, binitbit ng suspek ang biktima at pinagbubugbog at saka dinala sa banyo kung saan pinag-uuntog naman ng apat na beses ang ulo sa toilet bowl.

Narinig naman ng mga kamag-anak ang komosyon hanggang sa makitang nakahandusay na ang biktima, walang malay at duguan.

Sinabi ni Caburog na inaalam pa nila ang motibo ng suspek.

Tiniyak naman ng pamilya na papanagutin nila ang suspek. Anila, wala silang makitang dahilan upang bugbugin ng suspek ang isang paslit.

Nakakulong na ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa rito.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with