^

Metro

Buking sa pekeng dokumento 2 Chinese na dinakip sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Buking sa pekeng dokumento 2 Chinese na dinakip sa NAIA
Sa report na tinanggap ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, sina Wang Changru, 53 at Cui Wen, 33, ay pinigilan makasakay ng Cathay Pacific Airlines flight pa­puntang Hong Kong dahil sa pagpapakita ng mga pekeng dokumento.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese national ang naharang at inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos mabuking na peke ang mga iprinisintang exit clea­rance noong Enero 24.

Sa report na tinanggap ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, sina Wang Changru, 53 at Cui Wen, 33, ay pinigilan makasakay ng Cathay Pacific Airlines flight pa­puntang Hong Kong dahil sa pagpapakita ng mga pekeng dokumento.

Napag-alamang overstaying na sa bansa ang dalawa na dumating noon pang 2019.

Gayunman, nagpri­sinta sila ng immigration clearance certificates (ECC) ang dalawa na inisyu umano noong ­Enero 23, na nagsasabing awtorisado silang manatili sa bansa hanggang Pebrero.

Sinabi ni Viado na hindi inakala ng dalawang Chinese na ma­de-detect ng kanilang centralized database ang mga pekeng dokumento.

Bunsod nito, agad na binitbit ang dalawa at itinurn-over sila sa legal division ng BI.

Mahaharap sa mga kasong deportasyon dahil sa paglabag sa Phi­lippine Immigration Act of 1940 ang dalawang Chinese,

ARRESTED

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with