^

Metro

Ilang kalye sa Maynila, sarado sa Chinese New Year

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalye sa Maynila, sarado sa Chinese New Year
Students of Chiang Kai Shek College (CKSC) in Manila celebrate the Lunar New Year with vibrant festivities at the school courtyard on January 27, 2025.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Manila Police District-Public Information Office (MPD-PIO) na ilang kalye sa Maynila ang isasara bukas upang bigyan daan ang pagdiriwang ng Chinese New Year .

Sa inilabas na traffic advisory, ipatutupad mamayang alas-9 ng gabi ang road closures kahabaan ng Quintin Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmariñas St.; Jones Bridge; Plaza Cervantes; at Binondo-Intramuros Bridge habang nakatakdang magpatupad ng traffic rerouting scheme upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lungsod.

Pinayuhan ang mga motorista na magmumula sa Reina Regente St. na dadaan sa Juan Luna St. at gagamit ng southbound lane ng Jones Bridge, na kumaliwa sa Plaza Lorenzo Ruiz, kumanan sa Noberto Ty, kanan sa Yuchengco St., kaliwa sa Ongpin hanggang sa kani-kanilang destinasyon habang ang mga motorista namang manggagaling sa P. Burgos Avenue/Taft ­Avenue na nagnanais gumamit ng Jones Bridge ay maaaring dumiretso sa McArthur Bridge o Quezon Bridge hanggang sa kanilang point of destination.

Ang mga behikulo naman na magmumula sa Plaza Sta. Cruz at gagamit ng Dasmariñas St. ay pinapayuhang kumanan sa Quintin Paredes St. hanggang sa kani-kanilang patutunguhan habang ang mga motorista naman na magmumula sa Magallanes Drive patungong Binondo-Intramuros Bridge ay maaaring dumiretso sa A. Soriano Avenue hanggang sa Anda Circle patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Sa mga sasakyan namang magmumula sa Muelle dela Industria patungong Binondo-Intramuros Bridge ay maaaring dumaan sa Madrid St., kanan sa San Fernando St., patungong Plaza San Ruiz, kaliwa sa Q. Paredes St., kanan sa Noberto Ty St., kanan sa Yuchengco at kaliwa sa Ongpin patungo sa kanilang point of destination.

Ayon naman sa MPD-PIO, ang pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabase nila sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko sa lugar.

CHINESE NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with