^

Metro

5,000 Australians tinarget ng scam hub sa Pilipinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5,000 Australians tinarget ng scam hub sa Pilipinas
Ito ang nadiskubre sa pagpapatuloy ng mga awtoridad kaugnay ng pinalakas na cyber crime operations. Ang naturang mga Australians ay binibiktima umano sa love scam, investment scam at iba pang illegal na aktibidad na nadiskubre sa ni-raid na illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa operasyon sa Pasay City noong Oktubre ng nakalipas na taon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Limanglibong (5,000) Australian nationals ang tinarget  umanong biktimahin ng mga scam hub  na  illegal na nagsasagawa ng operasyon sa Pilipinas.

Ito ang nadiskubre sa pagpapatuloy ng mga awtoridad kaugnay ng pinalakas na cyber crime operations. Ang naturang mga Australians ay binibiktima umano sa love scam, investment scam at iba pang illegal na aktibidad na nadiskubre sa ni-raid na illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa operasyon sa Pasay City noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Ayon sa PNP-ACG ang nasabing mga online scam farms na illegal na nago-operate sa Pilipinas ay nagbabago ng taktika upang makaiwas sa crackdown operations ng mga awtoridad.

Sa joint statement ng  Australian Federal Police, National Anti-Scam Center, Philippine Anti-Organized Crime Commission at National Bureau of Investigation, binalaan nila ang mga Australian nationals na tinarget ng mga love scammers na nakabase sa Pilipinas na huwag magpadala ng pera sa mga taong nakilala lamang ng mga ito sa online platform.

Natukoy ang mga posible sanang biktima matapos ang imbestigasyon sa scam farm sa Pasay kung saan nasa 200 POGO workers ang nasakote.

Samantalang una na ring nadiskubre  ng mga awtoridad na ang mga illegal na operas­yon ng POGOs  ang nagsisilbing pinagkukublihan ng mga organisadong grupong kriminal na sangkot sa human trafficking, money laundering, online fraud, kidnappings at maging murder.

Kaugnay nito, iniha­yag naman ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz na sa kasalukuyan ay nakapokus na  ang kanilang operasyon sa mga small scale illegal POGOs sa Visayas, Mindanao at maging sa ilang bahagi ng Northern Luzon. Magugunita na sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2024 ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang crackdown laban sa mga POGOs na sangkot sa mga illegal na aktibidades.

SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with