^

Metro

Tiangco suportado ang dagdag cash aid ng DSWD sa maternal health

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tiangco suportado ang dagdag cash aid ng DSWD sa maternal health
“I welcome the administration’s efforts to expand the benefits under the 4Ps program, especially since this directly supports mothers,” pahayag ni Tiangco.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Suportado ni Navotas Rep.Toby Tiangco ang karag­dagang cash aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga buntis at mga ina na may mga anak na edad 0 hanggang 2 taon dahilan importante ang kalusugan ng ina at bata sa unang 1,000 araw na kanilang buhay.

“I welcome the administration’s efforts to expand the benefits under the 4Ps program, especially since this directly supports mothers,” pahayag ni Tiangco.

“Maternal health is vital to public health because it safeguards the well-being of mothers and ensures newborns are born healthy,” anang solon. Binigyang diin ni Tiangco na ang F1KD program ng DSWD ay umaayon sa pangako ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon. Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng buwanang health grant na ?350 ang mga babaeng benepisyaryo ng 4Ps na buntis at mga kabahayang may mga anak na may edad 0 hanggang 2 taon.

“Mga 80,000 nanay ang makakatanggap ng buwanang ayuda na ito at alam natin na malaking tulong ito upang masigurong malusog sila sa pagbubuntis, at pagkapanganak,” dagdag pa ng mambabatas.

Samantalang pinapurihan din ng mambabatas ang patuloy na pagsisikap ng administrasyon na mapabuti ang pangangalagang pangkalusugan at tiyakin ang magiging maayos ang mga programa nito.

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with