^

Metro

7 PDEA agents tugis sa kidnapping

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
7 PDEA agents tugis sa kidnapping
Batay sa inilabas na impormasyon nitong Biyernes, nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Ronald August L. Tan, ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 297 laban sa mga suspek na sina alyas Bacolod, Esteban, Galutera, Paasa, Flores, Mateo, at Ramos, pawang nakatalaga sa PDEA Region 3.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinaghahanap na ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pito nilang ahente na may kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention.

Batay sa inilabas na impormasyon nitong Biyernes, nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Ronald August L. Tan, ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 297 laban sa mga suspek na sina alyas Bacolod, Esteban,  Galutera, Paasa, Flores, Mateo, at Ramos, pawang nakatalaga sa PDEA Region 3.

“This is to inform the public that the following individuals are no longer authorized to conduct anti-illegal drug operations or any transaction on behalf of PDEA due to their pending criminal and administrative cases for the non-bailable offense of alleged kidnapping for ransom and illegal  detention,” nakasaad  sa imporrmasyon ng PDEA.

Ayon sa PDEA, aktibo pa rin umano ang mga nasabing suspek subalit sumasailalim ang mga ito sa kasong administratibo para sa resolusyon.

Hindi pa umano maituturing na absent without official leave ang mga nabanggit dahil kailangan pa nila ang 30 working days bago ideklarang AWOL.

Hindi naman ipinaliwanag ng PDEA ang kidnapping na umano’y kinasasangkutan ng kanilang ahente dahil nangangalap pa umano sila ng mga detalye sa operasyon.

Kasabay nito, hini­mok ng PDEA ang pu­bliko sa sinumang nakakakilala o may impormasyon sa kinaroroonan ng mga nasabing PDEA agent na maaaring ipag­bigay-alam lamang sa pinakamalapit na istas­yon ng pulisya.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with