P4.8 milyong shabu nasabat sa bebot na ‘tulak’
MANILA, Philippines — Nasamsam ng Taguig City Police Station (TCPS) ang mahigit ?4.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation noong Miyerkules, Enero 22, 2025, na nagpatibay sa zero-tolerance policy ni Mayor Lani Cayetano laban sa iligal na droga.
Ang operasyon na isinagawa dakong alas-11:40 ng gabi sa kahabaan ng Cabasan Street, Barangay South Signal ay nagresulta sa pagkakaaresto kay Sherhana Hatae alyas “Sherhana,” 33, residente ng San Jose, Guadalupe, Makati City.
Narekober ng mga awtoridad ang tatlong knot-tied plastic bag na naglalaman ng 708.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?4,817,800, kasama ang buy-bust money na binubuo ng isang tunay na ?1,000 bill at 49 piraso ng ?1,000 boodle money, gayundin ang lavender paper bag na ginamit noong transaksyon.
Sa tagumpay na ito, binigyan-diin ni Taguig Police Chief PColonel Joey Goforth na ang kanilang operasyon ay bunsod ng kautusan ni Mayor Cayetano na ipatupad ang “zero-tolerance policy” sa iligal na droga.
Ani Goforth, sinsero sila na maging drug-cleared city ang lungsod at masiguro ang kaligtasan ng Taguigeños.
“The police force’s unwavering commitment reflects our collective effort to protect our communities and provide a better future for every resident in our Transformative, Lively, and Caring Probinsyudad,” ayon naman kay Cayetano.
Ang pinakabagong buy-bust operation ng Taguig Police ay pagpapakita ng paglaban sa ilegal na droga. Noong Agosto 2024, nakamit ng istasyon ang pambansang pagkilala sa 123rd Police Service Anniversary Celebration bilang National Winner, na nakamit ang isang kahanga-hangang rekord ng mahigit 1,700 na pag-aresto na may kaugnayan sa droga.
Ang mga high-value target, tulad ni Joel Tiñga, isang pangunahing drug dealer sa Taguig at miyembro ng Tiñga drug syndicate, ay nahuli sa buy-bust operations bilang resulta ng pinaigting na pagsusumikap ng pulisya laban sa droga.
- Latest