^

Metro

Trader todas sa akyat bahay, misis, 2 anak sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trader todas sa akyat bahay, misis, 2 anak sugatan
Kinilala ang nasa­wing na si alyas Ed, 62; habang sugatan ang kanyang misis na si Lilin, 56; mga anak na sina Mathew, 22; Eunice, 29, at kapitbahay na si alyas Ibe, 44, pawang nakatira sa M.Y Homes Subdivision sa Brgy. Balingasa, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante habang sugatan ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya at kanyang kapitbahay matapos looban ng apat kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Ak­yat ­Ba­hay at pawang armado ng matataas na ­kalibre ng baril ang kanyang tahanan sa Quezon City noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing na si alyas Ed, 62; habang sugatan ang kanyang misis na si Lilin, 56; mga anak na sina Mathew, 22; Eunice, 29, at kapitbahay na si alyas Ibe, 44, pawang nakatira sa M.Y Homes Subdivision sa Brgy. Balingasa, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), bandang 6:30 ng umaga ng Lunes nang maganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima sa M.Y Homes Subdivision, sa Brgy Balingasa, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Ghino Galit, unang pinasok ng mga suspek ang silid ng negosyante at ng kanyang misis saka tinutukan ng baril.

Narinig ni Eunice ang ingay mula sa silid ng mga magulang na nasa ikalawang palapag ay pinuntahan niya ito pero kinaladkad din siya ng mga suspek sa loob ng silid.

Habang binubuksan ng mga suspek ang cabinet kung saan matatag-puan ang safety vault, sumaklolo ang dalawang anak ng mag-asawa at nilabanan ang mga suspek.

Dahil dito, kinaladkad ng isa sa mga suspek ang negosyante sa loob ng comfort room at iginapos saka binaril sa dibdib.

Narinig naman ng kapitbahay na si Ibe ang putok ng baril kaya agad niyang pinuntahan ang bahay ng mga biktima at nang makita ang mga suspek ay nanlaban din ito pero binaril din siya ng isa sa mga kawatan.

Tumakas ang tatlong suspek gamit ang kanilang getaway vehicle na puting van habang ang isang kasama nila ay sumakay ng pedicab.

Isinugod ang mga biktima at kanilang kapitbahay na nagtamo ng saksak at bala sa katawan subalit binawian ng buhay ang negosyante.

Sinabi ng pulisya na kinuha ng mga suspek ang tatlong cell phone at identification card mula sa mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with