2 katao, sugatan sa sunog sa Mandaluyong
MANILA, Philippines — Dalawang katao, na kinabibilangan ng isang bumbero at isang lola, ang sugatan sa isang sunog na sumiklab sa Mandaluyong City kahapon.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas ‘FO2 Navarro,’ 34, personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagtamo ng lacerated wound sa kanang siko at si Teresita Sta. Teresa, 70, na nakaramdam ng pagkahilo.
Sa ulat ng Mandaluyong BFP, dakong alas-2:42 ng hapon nang maganap ang sunog sa Lucio Cruz St., kanto ng I. Lopez, sa Brgy. New Zaniga sa Mandaluyong City.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog bago naideklarang fireout dakong alas-3:48 ng hapon.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.
- Latest