^

Metro

32 Banyaga timbog sa raid vs illegal POGOs

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
32 Banyaga timbog sa raid vs illegal POGOs
Iniulat ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. na ang mga naarestong dayuhan ay napag-alamang nagtatrabaho sa online gaming at scamming operations sa isang gusali sa Aseana enclave sa nasabing lungsod.
Photo courtesy of Bureau of Immigration / PNA

MANILA, Philippines — Tatlumpu’t dalawa (32) mga dayuhan ang nasakote ng mga ope­ratiba ng Bureau of Immigration (BI) matapos salakayin ang illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators  (POGOs) sa raid sa Parañaque City nitong Biyernes ng gabi.

Iniulat ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. na ang mga naarestong dayuhan ay napag-alamang nagtatrabaho sa online gaming at scamming operations sa isang gusali sa Aseana enclave sa nasabing lungsod.

Ayon sa BI, kabilang sa mga nasakote ay 20 Chinese, 11 Malaysians, at 1 Cambodian matapos masubaybayan ng mga operatiba ang mga ilegal ng mga itong aktibidades kabilang ang pakikipag-ugnayan sa love scam, sa kanilang gusali. Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pinapurihan naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga operasyon at sinabing magpapatuloy ang kanilang pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na POGOs.

“Maging babala ito sa mga dayuhang mamamayan na tahasang nagpapatuloy sa ilegal na operasyon sa kabila ng pagbabawal ng Pangulo. Hindi kami titigil hangga’t hindi nahuhuli at nade-deport ang lahat ng ilegal na dayuhan,”ayon sa opisyal.

Sinabi ng BI na ­inaasahan ang higit pang pag-aresto at pagpapa-deport sa mga banyaga sa mga illegal POGOs na target lansagin ng pamahalaan kasunod ng pagbabawal ng Pangulo sa operasyon ng POGO sa buong bansa.

Ang 32 dayuhan ay mananatili sa physical custody ng NBI habang sumasailalim sa deportation proceedings sa BI.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with