Cryptocurrency investor, timbog sa P1.4 milyong droga
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang cryptocurrency investor na isa ring call center agent kasunod ng pagkakasamsam ng P1.4 milyon halaga ng marijuana vape, ecstasy at shabu habang nakatakas naman ang kasamahan nito sa buy-bust operation sa lungsod ng Makati City, hatinggabi ng Biyernes.
Kinilala ang mga suspect na sina alyas “Lulu”, 37; alyas “Pinky”, 46, na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sa ulat, alas -12 ng hatinggabi ng Enero 17, 2025 nang matagumpay na maaresto ang dalawa sa joint buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit at Sub-Station 6, sa Barangay Bel-Air, Makati City. Gayunman,patuloy pang tinutugis ang nakatakas na suspect na si alyas “Jake”, 36-anyos.
Naging matagumpay ang operasyon matapos makabili ang poseur-buyer ng 101 piraso ng self-sealing plastic na may label na “POP! CARTS” na naglalaman ng disposable vape cartridge na may marijuana oil na may standard drug price na ?1,393,000.00.
Nasamsam din 2 pang piraso ng disposable vape marijuana na nagkakahalaga ng ? 15,000.00, 0.5 gramo ng shabu na may halagang ?3,400.00, at isang gramo ng ecstasy na nagkakahalaga ng ?4,250.00.
Samantalang narekober sa mga suspect ang 5 aluminum foil strip na may residue ng shabu, 2 improvised burner, 2 improvised water pipe, 3 glass tube totter, isang rolyo ng aluminum foil, isang disposable lighter, isang weighing scale, at buy-bust money na may kasamang boodle money, 2 Samsung cellphone na ginamit sa transaksyon.
- Latest