2 Tauhan ng junk shop, na-bidyuhan tiklo sa pagtatambak ng basura
MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Manila City Government sa publiko na ireport ang sinumang maaktuhan na nagtatambak ng basura sa gilid ng kalye sa Tondo, sa oras na wala pang nangongolekta ng basura, na hinihinalang nananadya upang sirain ang imahe ng Maynila sa administrasyon ni Mayor Honey Lacuna.
Ito’y matapos matunton at arestuhin ang dalawang tauhan ng ng isang junk shop na sina alyas “Pablo”, 60-anyos at isang alyas “Edgar”, 24 anyos, na kapwa sinampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act R.A. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) sa Manila Prosecutor’s Office.
Sa ulat, isinumbong ng mga tauhan ng Department of Public Services (DPS) sa Manila City Hall Task Force (MCHTF) ang nadiskubreng pagtatambak ng basura sa Mel Lopez Blvd., sakop ng Barangay 105, Zone 8, sa Tondo, alas-10:04 ng gabi noong Enero 9, 2025.Ipinrisinta rin ang video na aktuwal na pagtatambak ng basura ng dalawang lalaki mula sa isang industrial truck na may plate number RJY 899.
Sa pag-iimbestiga, natukoy na pag-aari ng isang alyas “Edgar”, junk shop owner sa Aroma Compound, sakop ng Brgy, 105. na umamin umano na kaniya ang truck na ginamit ng dalawang tauhan noong Enero 9.
- Latest