^

Metro

LRT-1Cavite extension project malabong matapos sa termino ni Pangulong Marcos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan umano sa bagong gawang 680-meter flyover na sa Quirino Highway sa Las Piñas City, ang pagbubukas ng Phase II ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1)-Cavite extension project ay malabong mangyari hanggang sa huling taon ng administrasyon ni Presidente Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr. sa 2028.

Ito ang na malungkot na ibinalita kahapon ni Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos matapos inihayag sa kanya mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) na malabo pa ring masimulan sa taong 2026 ang kons­truksyon ng tatlong istasyon ng LRT-1 mula Las Piñas hanggang Brgy. Niyog sa Cavite.

Ayon kay Santos, iminungkahi sa kanya ng mga DOTr na malabong matapos ang konstruksyon ng LRT1-Cavite extension kahit sa taong 2031 na unang sinabi ng management ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang project proponent ng P64.92 billion project.

Ilang beses nang naantala ang proyekto dahil sa mga isyu sa right-of-way at ang pandemya ng Covid-19.

“Naging malaking abala talaga sa konstruksyon ng LRT-1 project ng pinagawa ang Las Piñas flyover mula Quirino Ave. hanggang C5 Extension road kung saan ay hindi maiging pinagplanuhan kaya nasakop tuloy ang mga daraanan ng riles ng tren,” paliwanag ni Santos.

Inihayag pa ng opisyal na dahil dito sa taong 2035 ay hindi pa rin matapos ang paggawa ng tatlong istasyon ng LRT-1 Cavite extension dahil kailangan pa rin ng dagdag na pondo na aabot sa isang bilyong piso mula sa LRMC at gobyerno.

LRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with