Metro Manila mayors suportado Rice-for-All Program
MANILA, Philippines — Tiniyak ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang suporta sa Department of Agriculture (DA) hinggil sa pagpapalawak sa network ng distribusyon ng abot-kayang presyo ng bigas, at masigurong makakuha ng mabilis na access ang mahihirap na mga komunidad.
Ito ay makaraang makipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Metro Manila Council (MMC) na pinangunahan ni MMC President at San Juan Mayor Francis Zamora at MMDA Chairman Romando Artes upang balangkasin ang mga istratehiya para sa distribusyon ng bigas ng National Food Authority.
Ang programa na nasa ilalim ng inisyatiba ng KADIWA ng Pangulo Rice-for-All Program ay nag-aalok ng NFA rice sa presyong P38 per kilo para sa low-income na mga pamilya.
Sa kasalukuyan, may 300,000 metriko toneladang imbak na bigas ang NFA.
Siniguro ni Chairman Artes sa publiko na hindi magagamit sa pulitika ang programa.
Binigyang-diin ni Sec. Tiu Laurel ang pangangailangan na maibenta ang reserba ng bigas upang makapaghanda sa nalalapit na panahon ng anihan sa Pebrero.
Sinabi ng Kalihim na habang pinapalawak ang network ng distribusyon, makakasiguro ang mga komunidad sa Metro Manila ng mas pinahusay na access sa murang bigas, at mas lalo pang palakasin ito sa mas mahihirap na populasyon sa rehiyon.
- Latest