^

Metro

Proyektong pabahay ni Abalos sa Mandaluyong, higit 10K nakinabang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging modelo ang Mandaluyong sa urban housing development sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Benhur Abalos, na nagbigay ng ligtas at abot-kayang tirahan sa libu-libong residente.

Kabilang sa mga natatanging proyekto ang “Adopt a Home – Bayanihan Project” noong 2002, kung saan mahigit 200 pamilya na naapektuhan ng sunog sa Barangay Addition Hills ang nabigyan ng tahanan. Nakamit ito sa tulong ng gobyerno, mga NGO, at komunidad.

Sa pamamagitan ng pagbili ng lupa mula sa Philippine National Railways (PNR), nabigyan din ng pagmamay-ari ng lupa ang mahigit 2,200 informal settlers sa tabi ng riles, gamit ang abot-kayang sistema ng pagbabayad.

“Lahat ng mga nakatira doon hindi na sila informal settlers kundi sila ay mga landowners na at ilang libong pamilya ito. A house is the biggest asset of a family. ‘Yung pagkakaroon ng bahay gives them pride at guarantee na kahit paano ay may maipamamana sila sa kanilang mga anak at apo,” sabi ni Abalos.

Ang medium-rise housing projects sa lungsod ay nagbigay ng mas maayos na tirahan sa mahigit 1,500 pamilya, kabilang ang Abella Compound at mga proyekto sa pakikipagtulungan sa Gawad Kalinga.

Sa kabuuan, higit 10,000 pamilya ang natulu­ngan ng mga programang pabahay ng Mandaluyong sa pamumuno ni Abalos.

Sa kaniyang termino bilang kongresista, si Abalos ang may akda ng Republic Act No. 9397 na nagbigay-daan sa alternatibong socialized housing at mas maayos at mabilis na proseso ng pamamahagi ng lupa.

 

HOUSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with