^

Metro

Live TV interview kay Quiboloy, ibinasura ng korte

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Live TV interview kay Quiboloy, ibinasura ng korte
Photo shows Kingdom of Jesus Christ church founder Apollo Quiboloy.
Pastor Apollo Quiboloy Facebook Page

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court ang hiling ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at Pastor Apollo Quiboloy na makadalo sa isang live television interview, kaugnay nang pagtakbo niya sa pagka-senador sa 2025 Natio­nal and Local Elections (NLE) sa Mayo 12.

Sa tatlong pahinang desisyon ng  Pasig RTC Branch 159 na inilbas nitong  Enero 13, 2024, tinukoy nito ang mga panganib na kaakibat ng anumang public statements na maa­aring gawin ni Quiboloy sa naturang panayam dahil ang anuman aniyang pahayag na gagawin ng pastor ay maaaring makaimpluwensiya sa persepsiyon ng publiko sa nagpapatuloy na pag­lilitis sa kanya.

“As a note, while this Court recognizes the right of accused Quiboloy to seek public office and to engage in lawful campaign activities, this right is not absolute and remains subject to regulation by the court,” ayon pa sa hukuman.

Gayunman, nilinaw ng korte na hindi na pinagbabawalan si Quiboloy sa kanyang ­pangangampanya.

Nabatid na una nang hiniling ni Quiboloy sa hukuman na mapahintulutan siyang dumalo sa live interview na ­inorganisa ng ABS-CBN News Channel kahapon, Enero 14.

Gayunman, anang hukuman, ang mosyon ay walang kalakip na pormal na imbitasyon mula sa naturang TV network.

Paliwanag ng korte, “Thus, for failure of accused Quiboloy to substantiate his prayer in the motion, and to safeguard the fairness of the trial and maintain the confidentia­lity of the proceedings, the Court exercises its discretion in not allowing accused Quiboloy to participate in the supposed live interview.”

Matatandaang si Quiboloy, na nahaharap sa non-bailable qualified human trafficking case sa Pasig court, ay una nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Bukod naman sa naturang kaso, nahaharap din si Quiboloy sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o he Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->