^

Metro

Casino agent, timbog sa P3.6 milyong ‘bato’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Casino agent, timbog sa P3.6 milyong ‘bato’
Sa report na tinanggap ni Malabon City Police chief PCol. Jay Baybayan, kinilala ang suspek na si alyas Mark ng Caloocan City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang casino agent makaraang makuhanan ng white crystalline substance o pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Malabon City.

Sa report na tinanggap ni Malabon City Police chief PCol. Jay Baybayan, kinilala ang suspek na si alyas Mark ng Caloocan City.

Nabatid na isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-10:30 ­kamakalawa ng gabi sa Mango Road corner Nangka Street, Brgy. Potrero, Malabon City.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ‘nagtutulak’ ang suspek sa lugar kaya agad na ­ikinasa ang operasyon.

Isang pulis ang nagsilbing buyer kaya agad na binitbit nang mag-positibo sa transaksiyon.

Nakuha sa suspek ang shabu na may timbang na 535 at nagkakahalaga ng P3,638,000.00, dalawang caliber .45, mga bala at marked money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearm and Ammunition na may kaugnayan sa BP 881 Omnibus Election Code.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with