^

Metro

Vietnamese national nagpanggap na cosmetic surgeon, timbog sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vietnamese national nagpanggap na cosmetic surgeon, timbog sa NBI
Ang suspek na kinilalang si Trinh Thi Kieu Nguyen na kilala bilang “Dr. Rosa” ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office nitong Enero 9, 2025 sa reklamong paglabag sa Section 10 (in relation to Section 28) ng Republic Act 2382 (Illegal Practice of Medicine).
National Bureau of Investigation

MANILA, Philippines — Arestado ang isang dayuhang beauty doctor sa isang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa aktong pagtanggap ng marked money sa isang nagpanggap na kliyente sa Mandaluyong City.

Ang suspek na kinilalang si Trinh Thi Kieu Nguyen na kilala bilang “Dr. Rosa” ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office nitong Enero 9, 2025 sa reklamong paglabag sa Section 10 (in relation to Section 28) ng Republic Act 2382 (Illegal Practice of Medicine).

Sa utos ni NBI Director Judge Jaime Santiago na palakasin ang kampanya laban sa illegal practice of medicine, agad na ikinasa ng NBI – Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ang operasyon laban sa suspek nang makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant na isang babaeng banyaga na walang kaukulang permit ang iligal na nagsasagawa ng beauty enhancement surgery sa JK Beauty Clinic na matatagpuan sa Jovan Condominium Building, sa Mandaluyong.

Matapos ang surveillance operation, isang poseur client ang nakipag-ugnayan sa suspek kasama ang isang undercover agent ng NBI para sa botox procedure at nano filler sa baba (chin) sa presyong tig P8,000.

Nitong Enero 8, dinakip si Nguyen nang tanggapin ang kabuuang P16,000.00 at nagbigay ng signal iba pang operatiba para sa pagdakip sa suspek. Nasamsam ang iba’t-ibang medical paraphernalia na gagamiting ebidensya.

Kabilang sa inaalok na medical procedures ng suspek ang eyelid surgery, vaginal tightening, botox at iba pang cosmetic procedure sa nasabing klinika.

Sinabi ni Santiago na nagsasagawa na ng beripikasyon ang NBI sa Bureau of Immigration para matukoy ang estado ng pananatili ng suspek sa bansa.

ANDALUYONG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with