^

Metro

2 Chinese na iligal na nagbebenta ng SIM card arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese na iligal na nagbebenta ng SIM card arestado
Sa pahayag ni CIDG Chief PBGen. Nicolas Torre III, kinilala ang mga suspek na sina alyas Yingchun at alyas Chunmei.
Criminal Investigation and Detection Group

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese national na iligal na nagbebenta ng pre-registered subscriber identity module (SIM) cards ang dinakip sa isang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Detective Special Operations Unit (DSOU) sa Pasay nitong Huwebes.

Sa pahayag ni CIDG Chief PBGen. Nicolas Torre III, kinilala ang mga suspek na sina alyas Yingchun at alyas Chunmei.

Nahuli ang mga suspek bandang 5:15 ng hapon nitong Enero 9 sa isang buy-bust operation sa harap ng isang coffee shop sa Pasay.

Nag-ugat ang operasyon matapos na lumitaw sa intelligence reports na isang sindikato ang nagbebenta ng mga pre-regjstered SIM cards na ginagamit sa  criminal activities kabilang ang online phishing, love scams, identity theft, telecommunications fraud, at iba pang uri ng pananakot.

Narekober sa mga suspek ang 1,700 Globe SIM cards, 2,300 TM SIM cards, isang lehitimong P1,000 perang papel, at 49 piraso ng P1,000 boodle money.

Haharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa SIM Registration Act.

“This operation reflects our unwavering commitment to enforcing the law against the misuse of technology. We will remain vigilant in combating crimes that endanger public safety,” ani Torre.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with