QC LGU, nagpaalala sa mga kandidato sa pagpapaskil ng election materials
MANILA, Philippines — Habang papalapit ang campaign period, nag-abiso ang Quezon City Gov’t sa mga kumakandidato sa lungsod hinggil sa tamang pagpapaskil ng kanilang mga election poster.
Alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010, ipinagbabawal ang paglalagay ng streamers, stickers, decals, pamphlets, tin plates, cardboards, tarpaulins, printed notices, signboard, billboard, at political propaganda sa mga hindi otorisadong lugar.
Kabilang dito ang mga poste ng kuryente at mga pampublikong pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.
Kaugnay nito, hinikayat ng QC LGU ang mga kandidato na magkusa nang tanggalin ang mga election materials sa mga ipinagbabawal na lugar.
Muli namang magsasagawa ng Operation Baklas ang Department of Public Order and Safety (DPOS) para pagtatanggalin ang mga election materials na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.
- Latest