P6 milyong halaga ng marijuana nadiskubre sa 5 ‘unclaimed’ Balikbayan box
MANILA, Philippines — Nadiskubre ng mga awtoridad ang tinatayang higit P6 milyong halaga ng pinatuyong marijuana matapos isuko ng isang forwarding company sa Las Piñas City, nitong Miyerkules.
Sinabi ni Southern Police District (SPD) director PBGen. Manuel Arugena, isang tip mula sa isang empleyado ng isang forwarding company ang natanggap ng kanyang mga tauhan na nagresulta sa pagsamsam sa 51 kilo ng marijuana leves na may fruiting tops na tinatayang nagkakahalaga ng P6,120,000.00. na sinasabing hindi na-claim.
Dakong alas-9:00 ng gabi ng Enero 7 nang magtungo ang mga tauhan ng SPD sa forwarding company sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City at doon natukoy na marijuana ang nilalaman ng 5 malalaking balikbayan box na nakahalo sa iba pang parcel.Sinabi ni Arugena na isinasagawa na ang imbestigasyon sa mga unclaimed parcels, upang matukoy kung saan nanggaling ang mga parsela at kung saan ito patungo.
- Latest