^

Metro

Backpacks, hoodie bawal sa ‘Pahalik’ - PNP

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Backpacks, hoodie bawal sa ‘Pahalik’ - PNP
Personnel from the Department of Public Works and Highways (DPWH) apply asphalt to damaged sections of Quezon Boulevard near the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno on January 4, 2025.
Noel Pabalate/The Philippine STAR

15K PNP, AFP personnel kasado na sa Nazareno

MANILA, Philippines —  Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad mula sa   ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand hanggang sa  Traslacion  at pagbabalik sa Quiapo church ng Poong Nazareno sa Huwebes, Enero 9.

Ayon kay Marbil, nakalatag na ang lahat ng kanilang mga seguridad  kasunod mg pakikipagpulong sa local government units (LGUs), religious organizations, at iba pang stakeholders.

Kabilang dito ang pagbabawal sa paggamit ng backpacks at pagsusuot ng hoodie sa ‘Pahalik’.

Pinapayuhan ang mga magtutungo sa Pahalik at Traslacion na gumamit ng mga transpa­rent na bag upang agad na makita ang nasa loob ng bag  at iwasang magsuot ng hoodie upang makita at makilala ang lumalahok.

Maaari ring magdala ng tubig subalit kaila­ngang nasa tumbler at huwag sa plastic bottle na  makakadagdag pa sa mga basura

Sinabi ni Marbil na ikakalat ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto habang nakaantabay at nakamonitor naman ang  PNP Intelligence Group and Anti-Cybercrime Group (ACG) laban sa mga posibleng  digital threats.

Sinabi rin ni Marbil na pinag-uusapan pa kung  paiiralin ang  signal jammer sa Enero 9. Sakali aniyang ipatupad, dapat na maintindihan ng mga deboto para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, nasa 1,000 personnel ang idedeploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) para tumulong sa puwersa ng pulisya sa pangangalaga sa kapayapaan at seguridad sa Piyesta ni Jesus Nazareno sa darating na Huwebes (Enero 9) ng taong ito.

Ayon sa AFP Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR), nasa 1,000 sundalo ang kanilang ­idedeploy partikular na sa Traslacion o pro­sesyon ng imahe ni Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church sa lungsod ng Maynila.

Napag-alaman na pakikilusin ng PCG ang mga nakahandang watercraft at rubber boats para magsilbing augmentation forces sa 14,000 mga tauhan ng PNP.

Inihayag ni Colonel Rommel Recinto, Deputy Commander ng AFP Joint Task Force -NCR ang kanilang mga idedeploy na tauhan ay composite team mula sa Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Marine Corps na titiyakin ang kaligtasan ng mga deboto sa isasagawang “Pahalik” sa Poong Nazareno sa Quirino grandstand.

Samantalang bukod dito ay magsasagawa rin ng pagpapatrulya ang mga sundalo sa ‘entry’ at ‘exit points “ sa buong Metro Manila para sa mga debotong magpapartisipa sa mga aktibidad sa Piyesta ni Jesus Nazareth.

Idinagdag pa ng opisyal na isang batal­yon naman ng Marines ang naka-standby para sa deployment kung kailanganin  pa ang karagdagang mga tauhan para sa sitwasyon ng emergency.

Inihayag naman ni PCG Spokesperson Commodore Algier Ricafrente na  bukod sa mga personnel ay magtatalaga rin sila ng mga medical team sa mga designated area.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with