Mga guro sa Caloocan tatanggap ng P2K ‘augmentation pay’
MANILA, Philippines — Tulad ng kanyang pangako sa State of the City Address (SOCA) noong Setyembre 2024, pinasimulan na ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pamamahagi ng P2,000 ‘augmentation pay’ ng mga guro sa pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Malapitan, ang nasabing allowance ay pagpapahalaga ng city government sa sakripisyo ng bawat guro para sa pagtuturo at maayos na edukasyon
Ani Malapitan, hindi matutumbasan ang sakripisyo, sipa at tiyaga ng mga guro upang matulungan ang mga estudyante na maabot ang kanilang mga pangarap.
Umapela si Malapitan sa mga guro, kasama na ang mga school administrator at sa mga magulang na patuloy na suportahan ang city government sa pagbibigay ng maayos at de-kalidad na edukasyon ang mga Batang Kankaloo.
“Isa pong magandang salubong para sa Bagong Taon ang programang ito, at tinitiyak ko na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaunlad natin ng ating mga serbisyo para sa magandang kinabukasan ng mga Batang Kankaloo,” dagdag ng alkalde.
- Latest