^

Metro

14K pulis ikakalat sa Traslacion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
14K pulis ikakalat sa Traslacion
Dumagsa kahapon sa Quiapo church ang mga deboto dala ang mga imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabasbas ng mga replica.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa 14,000 pulis ang itatalaga para magbigay ng seguridad sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila sa Huwebes, Enero 9.

Ayon kay NCRPO Director PBGen. Anthony Aberin, 12,168 pulis ang ikakalat at maglilibotsa paligid ng Quiapo habang ang ka­ragdagang 2,306 security personnel ay mula sa iba’t ibang stakeholders upang matiyak na magiging maayos ang Traslacion na inaasahan nang da­dagsain ng mga deboto. Ang paghahanda ng   NCRPO sa Feast of the Black Nazarene ay kasunod ng matagumpay na paghahanda at maayos na implementasyon ng Ligtas Paskuhan ng Phi­lippine National Police (PNP).

Sinabi ni Aberin na nasa 10,984 pulis ang ikinalat para sa peace and order mula Dis­yembre 16, 2024 hanggang Enero 1, 2025. Walang naitalang malaking krimen nitong Holiday Season.

Naniniwala si Aberin na malaking tulong ang police visibility at tulong ng mga barangay officials upang masiguro ang kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.

Ani Aberin, hindi magbabago ang ruta ang Traslacion ng Itim na Nazareno na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Luneta patungong Quiapo church.

Batay sa ruta, mula Quirino Granstand daraan sa Katigbak Drive, kanan sa  Padre Burgos St. hanggang  Finance Road, diretso ng Ayala Bridge, kaliwa ng Palanca St., kanan ng Quezon Boulevard, kanan ng Arlegui Street, kanan ng Fraternal Street, kanan ng Vergara Street, kaliwa ng Duque de Alba Street, kaliwa ng Castillejos Street, kaliwa ng Farnecio Street, kanan ng Arlegui Street, kaliwa ng  Nepomuceno Street, kaliwa ng Concepcion Aguila Street, kanan ng  Carcer Street, kanan ng Hidalgo hanggang Plaza del Carmen, kaliwa ng Bilibid Viejo hanggang Gonzalo Puyat, kaliwa ng  J.P. de Guzman Street, kanan ng  Hidalgo Street, kaliwa ng Quezon Boulevard, kanan ng Palanca St. hanggang ilalim ng  Quezon Bridge, kanan ng Villalobos lalabas ng Plaza Miranda at ipapasok sa  Quiapo Church.

Magsasagawa rin ng Fiesta Mass sa Quirino Grandstand sa hatinggabi ng Enero 8.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with