Online business permit application, iwas abala at mabilis
Navotas LGU sa mga negosyante
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga negosyante na samantalahin ang online business permit application at renewal system upang makaiwas sa mga abala at agad na makuha ang kanilang mga permit.
Ang pahayag ni Tiangco ay kasunod ng paalala na hanggang sa Enero 20, 2025 ang filing ng application at renewal ng mga business permit.
“Mag-online na po tayo para maiwasan ang pila at abala. Kung may mga tanong, magTXT JRT lamang o pumunta sa ating Business One-Stop Shop para kayo ay magabayan,” ani Tiangco.
Sa mga gumagamit ng gadget, sinabi ni Tiangco na my mga staff ang Navotas Business One-Stop Shop na handang umasiste sa mga taxpayers.
Palliwanag ni Tiangco, ginawa ang online system para sa mabilis, maayos at user-friendly transactions. Nakalahad na rin dito ang mga requirements para sa business permit. Maari na ring bayaran ang application sa pamamagitan ng GCash, PisoPay, and others.
“Less than 20 minutes, nakuha na po ng isang taxpayer ang kanyang business permit. Online na po ang ating application at renewal, pati na rin ang payment, sa https://online.navotas.gov.ph. Basta kumpleto ang requirements, mapapadala na agad ang electronic copy ng permit sa inyong email address,” dagdag ni Tiangco.
Oktubre 2024 nang makamit ng Navotas ang Seal of E-Boss Compliance mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), na indikasyon na patuloy na pinapaunlad ng city government ang digital systems para sa kapakanan ng mga taxpayers .
- Latest