^

Metro

Pinay na peke ang OEC hinarang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Pinay na peke ang OEC hinarang sa NAIA
Ang aspiring overseas worker, 27-anyos, ay patungo sa Hong Kong na may connecting flight papuntang Malaysia.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pinay sa NAIA Terminal 3 noong Disyembre 30 matapos i-flag ng joint system nito sa Department of Migrant Workers (DMW) na peke ang kanyang Overseas Employment Certificate (OEC).

Ang aspiring overseas worker, 27-anyos, ay patungo sa Hong Kong na may connecting flight papuntang Malaysia.

Una niyang ipinakita ang sarili bilang isang overseas Filipino worker (OFW) at nagsumite ng OEC bilang bahagi ng kanyang mga kinakailangan sa paglalakbay.

Gayunpaman, nakita ng sistema ng BI-DMW na hindi nakarehistro ang kanyang OEC.

Isinagawa ang beripikasyon ng mga tauhan ng DMW sa paliparan ay nagkumpirma na ang dokumento ay peke at inisyu sa ilalim ng pangalan ng ibang tao.

Inamin naman ng ­Pinay na pasahero na hini­ling niya sa isang kaibigan na iproseso ang OEC sa ngalan niya. Nirefer siya ng kaibigan sa isang indibidwal na nakilala niya sa Parañaque at ipinagsumite ng kanyang mga dokumento at nagbayad ng humigit-kumulang PHP 10,000 para makuha ang pekeng dokumento.

Pinuri naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pagharang at idiniin ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpigil sa mga ile­gal na aktibidad.

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with