^

Metro

P30 milyong kush marijuana nasabat sa Balik-Bayan box

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P30 milyong kush marijuana nasabat sa Balik-Bayan box
Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBGen Eleazar Pepito Matta, Disyembre 27 nang tumawag ang dalawang warehouse manager ng UMAC Forwarders Express, Inc., hinggil sa kahina-hinalang package na may markang UMTC435241 at UMTC435242.
AFP / Geoffroy Van der Hassel

MANILA, Philippines — Umaabot sa P30 milyong halaga ng marijuana kush ang nasamsam  ng mga tauhan ng hilippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula sa Balik Bayan box sa Taguig City.

Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBGen Eleazar Pepito Matta,  Disyembre 27 nang tumawag ang dalawang warehouse manager ng UMAC Forwarders Express, Inc., hinggil sa kahina-hinalang package na may markang UMTC435241 at UMTC435242.

Katuwang ang Foreign Liaison Division (IFLD), at PDEA NCR-SDO, dinala ng PNP-DEG Special Operations Unit–National Capital Region (SOU-NCR),  ang dalawang package sa kanilang tanggapan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ininspeksyon ang  dalawang kahon mula sa kinatawan ng  media, barangay officials, at narcotic detection dog team.

Dito na tumambad ang nasa 40 heat-sealed transparent plastic sachets  na tumitimbang ng 20,000 gramo ng  Kush marijuana.

Ang mga nasabing kontrabando ay  napapaibabawan ng canned goods, bigas at mga damit  nang inspeksiyunin ng mga awtoridad.

Sinabi ni Matta na ang pagkakakumpiska ng mga illegal drugs ay resulta ng pakikipagtulungan ng komunidad.

“Our vision is clear: a compassionate, bloodless, and community-driven campaign that safeguards every Filipino from the scourge of illegal drugs while respecting human rights and dignity,” ani Matta.

Dagdag pa ni Matta, patuloy ang kanilang  imbestigasyon upang matukoy ang  sangkot sa pagpapadala ng mga bagahe na naglalaman ng  illegal drugs.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with