^

Metro

BFP nag-house to house laban sa iligal na paputok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
BFP nag-house to house laban sa iligal na paputok
Isinagawa na ng Bureau of Fire Protection (BFP-NCR) sa Quirino Grandstand ang send-off deployment para sa programang “Iwas Paputok” kaugnay ng paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Bureau of Fire Protection (BFP) na epektibo pa rin ang  house-to-house campaign upang  paalalahanan  publiko hinggil sa paggamit ng mga paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Fire Chief Superintendent Jesus Fernandez, bagamat  malaki ang naitutulong ng social media sa kampanya, mas makabubu­ting ang paalala ay nanggagaling sa mga opisyal ng  pamahalaan.

Nitong Sabado ay personal na namahagi ng  leaflets si Fernandez upang ipaalala ang pagbabawal sa paggamit ng mga iligal na paputok.

Nagsagawa rin ito ng  inspeksiyon sa mga tindahan ng paputok  sa  Bocaue, Bulacan.

Layon nito na masi­guro na sumusunod ang mga firecracker vendor sa mga regulasyon sa pagbenta ng fireworks at pyrotechnics.

Partikular na sinilip ng BFP ay ang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ng mga nagbebenta ng mga paputok at pailaw.

Gayundin ang naisyung Fire Safety Clearance for Storage para sa pag-imbak ng mga raw material at finished products.Hinahanapan din ang mga ito ng Fire Safety Conveyance Clearance para naman sa pag-transport ng mga firecracker.

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with