^

Metro

BFP, naka-red alert na hanggang Enero 2

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
BFP, naka-red alert na hanggang Enero 2
Ayon kay BFP-Public Information Service chief Annalee Atienza, nangangahulugan itong naka-full alert ang buong puwersa ng BFP at ang lahat ay nakaantabay sa anumang emergency na maaaring maganap.
Philstar.com / File photo

MANILA, Philippines — Naka-red alert na ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa hanggang sa Enero 2, 2025, kasunod na rin nang nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay BFP-Public Information Service chief Annalee Atienza, nangangahulugan itong naka-full alert ang buong puwersa ng BFP at ang lahat ay nakaantabay sa anumang emergency na maaaring maganap.

“Code Red po meaning red alert status po ang buong pwersa ng BFP. Wala po munang naka-leave at lahat po ay naka-antabay sa kung ano man pong responde ang kailangan natin,” paliwanag pa ni Atienza, sa programa sa telebisyon.

Kaugnay nito, iniulat rin ni Atienza, na ngayong buwan ay nakapagtala na sila ng 800 insidente ng sunog.

Mas mababa pa rin naman aniya ito sa 1,204 fire incidents na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.

Karamihan rin aniya sa mga sunog ay naganap sa residential areas.

Muli rin namang nanawagan si Atienza sa komunidad, partikular na sa residential areas, na maging maingat at huwag nang gumamit ng paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon, upang makaiwas sa aksidente, gaya ng sunog.

Mas makabubuti aniya kung magtungo na lang sa mga designated fireworks display areas kung saan magkakaroon ng festivities at countdown para sa Bagong Taon.

Maaari rin naman aniyang gumamit ng mga alternatibong gamit sa pag-iingay sa Bagong Taon, gaya ng torotot at videokes.

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with