^

Metro

115 social media page ng mga online seller ng mga paputok tinanggal ng PNP-ACG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
115 social media page ng mga online seller ng mga paputok tinanggal ng PNP-ACG
Screen shot of a Facebook page shows samples of ‘killer’ firecrackers being sold online.
Ramon Efren Lazaro

MANILA, Philippines — Ipinasara ng Phi­lippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang nasa 115 social media page ng mga online seller ng mga paputok bilang bahagi ng kampanya laban sa illegal na mga paputok.

Sa datos ni ACG public information officer Lt. Wallen Arancillo, nasa 59 ang isinara sa Facebook habang 54 naman sa X na dating Twitter, at tig- isa sa website at Spotify.

Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng PNP-ACG sa 208 platforms.

Ayon naman kay ACG chief Brig. Gen. Bernard Yang, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga illegal na paputok online at multa at kulong ang parusa dito. Aniya, pinaigting ng ACG ang cyber patrolling upang matukoy ang mga nagkalat na bentahan ng mga peke at panloloko sa online.

Sinabi ni Yang, ang kanilang operasyon ay kasunod ng kampanya ng PNP Civil Security Group online sale ng mga illegal fireworks.

“Paalala po galing sa PNP-ACG, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta online ng mga illegal firecrackers. Alalahanin natin na ito ay paglabag sa ating batas at my kaakibat na fines and imprisonment. Kung my na encounter or knowledge man kayo na nagbebenta online ng illegal firecrackers, maa­ring ireport ito sa PNP ACG para sa agarang aksyon,” ani Yang.

Binigyan diin naman ni Arancillo na mula Disyembre 6 hanggang 26, nagsagawa sila ng operasyon laban sa mga online selling sa mga ipinagbabawal na mga paputok na nagresulta sa pagkakaaresto ng 10 habang nakum­piska ang nasa P76,400 ha­laga ng mga paputok.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 185 piraso ng kingkong; 211 piraso ng  atomic bomb; 2,500 piraso ng pop pop; 220 piraso ng kwitis;  1 piraso ng fountain; 1 piraso ng Judas’ belt (1000 rounds); 4 piraso ng  Judas’ belt (100 rounds); 50 piraso ng whistle bomb; 300 piraso ng five star; 50 piraso ng pastillas; 174 piraso ng  kabase; 60 ng tuna; 2  piraso  Goodbye Philippines; 52 kahon ng  piccolo;1,734 piraso ng  pla pla; 200 piraso ng  three star; 100 piraso ng sparkle; 12 piraso ng luis; 20 piraso ng  five colors; 20 piraso ng dynamite; 20 piraso ng yakult at  limang piraso ng crying cow.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7183 na Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Pyrotechnic Devices in relation to Section 6 of RA 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with