^

Metro

Lasing na nag-amok kinatay ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lasing na nag-amok kinatay ng kapitbahay
Batay sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) bandang 1:30 ng madaling araw, Disyembre 25 nang maganap ang insidente sa nirerentahang silid ng biktima sa nasabing barangay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking lasing makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay dahil sa pag-aamok at pagbabasag ng bote ng alak sa harapan ng isang tindahan, Miyerkules ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si alias Belalo, 51, residente ng Sitio San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, habang agad ding naaresto ang kapitbahay niyang suspek na si alias Rosales, 41, may live-in partner, construction worker.

Batay sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) bandang 1:30 ng madaling araw, Disyembre 25 nang maganap ang insidente sa nirerentahang silid ng biktima sa nasabing barangay.

Bago ang pananaksak, lumitaw sa imbestigasyon ni PSMS Joey D Madrid, na nagwala at nagbasag ng bote ng alak ang biktima sa harap ng sari-sari store na pag-aari ng ina ng saksing si alias Fabio.

Nilapitan ni Fabio ang biktima at nakiusap na umuwi na habang ang kapatid nitong si Mary Joy ay tinawag ang step-father nilang si Rosales sa loob ng bahay.

Lumabas si Rosales at kinompronta ang biktima subalit patuloy pa rin ito sa pagwawala hanggang sa saksakin ng suspek si Belalo.

Agad namang nagresponde ang tauhan ng QCPD Police Station 15 at isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival bandang 4:06 ng madaling araw ni Dr. Danielle E. Lim, sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Nakapiit na ang suspek at inihahanda na ang kaso laban dito.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with