^

Metro

30 pamilya nasunugan habang nagdiriwang ng Pasko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mismong Araw ng Pasko nawalan ng tirahan ang nasa 30 pamilya nang sumiklab ang sunog sa gitna ng nagkakasiyahang mga residente, sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi ng Disyembre 25 nang maganap ang sunog sa Pilapil St., sakop ng Barangay 51, Tondo.

Mabilis ang naging pagresponde ng mga bumbero sa pangunguna ng Gagalangin Fire station na pinamunuan ni FSr Inspector Ronald Lim.

Nagkataon umanong mga gising ang mga tao dahil sa mga handaan at nagkakasiyahan sa selebrasyon ng Pasko kaya agad naitawag sa Bureau of Fire Protection.

Pagsapit ng alas-9:40 ng gabi ay idineklarang fire-out na ang sunog na bagama’t masikip ang daan papasok sa mga nasusunog na bahay, naging mabilis ang mga bumbero at mga taong residente ng lugar na nagtulung-tulong sa pag-apula ng apoy.

Noong 2021 ay nasunog na rin ang mismong pinagmulan ng sunog, ayon kay Chairman Eric Santos ng Barangay 51. Paniniwala niya, may ilang bahay ang may iligal na koneksyon ng kuryente.

Wala namang nasawi sa insidente na patuloy pang iniimbestigahan kung ano ang sanhi.

 

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with