^

Metro

500 batang Manobo tumanggap ng libreng sapatos

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Nagalak ang mga Manobo tribal leaders sa pagkakatanggap nitong Biyernes ng mga bagong sapatos ng may 500 na batang sakop nila sa Magpet, Cotabato mula sa dating magkalabang mga pulitiko na nagtutulungan ngayon para sa mga programang pangkapayapaan.

Sa ulat, magkatuwang na isinagawa nina Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza at dating katunggali niyang gobernadora ng probinsya na si Nancy ­Catamco, ang naturang humanitarian mission sa Manobo Elementary School sa Barangay Manobo sa Magpet, isang ancestral domain ng tribong Manobo.

Dating magkalaban sa pulitika sina Mendoza at Catamco, na reelectionist governor ng siya ay tinalo noong 2022 elections ng kasalukuyang gobernadora.

Abot sa 500 na mga batang Manobo na mag-aaral ang nabigyan ng mga bagong sapatos ni Mendoza at Catamco, na isa ring tribal leader sa probinsya, sa kanilang outreach mission sa Barangay Manobo.

Nagpahayag ng kagalakan ang mga Manobo tribal leaders sa Magpet, isa sa 17 na bayan sa Cotabato, sa pagiging magkaibigan na nina reelectionist Mendoza at Catamco na hindi kandidato sa anumang puwesto na 2025 elections.

MANOBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with