PNP, TikTok sanib-puwersa vs scammer
MANILA, Philippines — Upang mas mapalakas pa ang kampanya laban sa cybercrime, sanib puwersa na ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group at TikTok .
Ayon kay ACG spokesperson PLt. Wallen Mae Arancillo, makikipagtulungan sila sa online platform na TikTok para paigtingin ang kanilang giyera laban sa mga online scammer.
Ani Arancillo, hindi maikakaila na marami ang tumatangkilik sa TikTok na humantong online selling scam tulad ng pagbebenta ng mga substandard item.
Mas magiging mabilis aniya ang kanilang imbestigasyon sa cybercrime dahil magkakaroon na ng focal person na puwedeng tumugon sa reklamo ng nabubudol na online buyer.
Dahil dito, magkakasa ng serye ng mga pagsasanay ang TikTok sa mga tauhan ng ACG para sa kanilang investigation team na tututok sa mga kaso.
Kadalasang inirereklamo ng mga online buyer na nabubudol sila ng mga online seller na magaganda ang naka-post sa kanilang site pero iba ang itsura ‘pag na-deliver na sa kanila.
Madalas ay bina-block pa umano sila ng mga scammer ‘pag nagreklamo sila at nag-demand ng refund.
- Latest