Quezon City LGU public library, kinilala bilang Best Public Library sa NCR
MANILA, Philippines — Ginawaran ng parangal ng The Asia Foundation bilang Public Library of the Year ang Quezon City Public Library dahil sa natatanging mga programa,aktibidad at iba pang library services sa higit 400 libong physical at online users para silbihan ang komunidad.
Ayon kay Mariza Chico, hepe ng QC Public Library pangatlong taon nang parangal ito ng foundation bukod sa tumanggap din sila ng parangal mula sa National Library of the Philippines dahil sa mga naipagkakaloob na serbisyo sa mga book readers gayundin sa mga online users na kanilang seneserbisyuhan.
“Napaka-supportive ang ating LGU. Mayroon tayong yearly budget for books gayung ang ibang libraries are struggling sa paghingi ng budget sa books”sabi ni Chico.
Bukod anya sa libreng magbasa sa library ay maaari ring mahiram ang mga piling libro mula sa kanila.Ang fiction books anya ay maaaring mahiram sa loob ng isang lingo at ang mga reference books ay tatlong araw.
Maaaring mahiram ang naturang mga libro kung kayo ay may QC E-service at QCID. Ganito rin anya ang serbisyo sa 32 public libraries na nasa 6 na distrito sa QC bukod sa library sa QC Hall compound.
Sinabi pa ni Chico na may dalawang special libraries din silang nailagay sa Female Dormitory sa Kampo Karingal upang matulungan ang mga inmates dito na makapagbasa habang nasa loob ng selda.
Mayroon din anya silang Braile Story books para sa mga visually impared.
- Latest