^

Metro

POGO Boss dinukot ng 7 ‘parak’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national na umano’y Philip­pine Offshore Gaming Operator (POGO) boss ang dinukot ng pitong armadong kalalakihan na nagpakilalang mga pulis sa Parañaque City, noong Martes ng hapon.

Makikita sa video footage ang pagparada sa inuupahang apartment ng biktimang dayuhan ng isang Hi-ace van na kulay puti at bumaba ang mga lalaking nakasuot ng blue shirts na may tatak sa likod na “PULIS”, may mga nakasuot ng puti na t-shirt na nakapatong ang reflective vests na itim na may kumbinasyon green at may tatak din sa likod na “PULIS” at isa ang nakasuot ng itim na longsleeve jacket na may dalang dokumento.

Nagpakilalang mga pulis at nagsabing magsisilbi ng warrant of arrest nang pumasok sa isang subdibisyon ang mga suspek at dinisarmahan ang nakatalagang security guard sa Gate 1.

Maya-maya ay nakita na ang biktima na nakaposas at hawak ng dalawang lalaki nang isakay sa van alas-3:50 ng hapon.

Sinabi ni PLt. Colonel Eric Angustia, assistant chief of police for admi­nistration ng Parañaque City Police Station, hindi pa alam kung saan dinala ang biktima at wala pang impormasyon kung hihingi ng ransom

Sa pahayaga ng saksi, isang dating security guard ang isa sa suspek na nakitang kinausap pa ang dalawang security ng biktima, ilang araw bago ang pagdukot.

Sinabi ni Angustia na inaresto ang dalawang bodyguard na kinausap ng nasabing suspek na pinaniniwalaang kasabwat sa insidente.

Hindi naman nagbigay ng anumang komento ang mga inaresto na sasampahan ng reklamong kidnapping, bukod sa pitong suspek na tinutugis pa.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with