956 special permits ipinalabas ng LTFRB para sa Christmas, New Year rush
MANILA, Philippines — Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 956 special permits ang mga pampasaherong sasakyan na dagdag na maghahatid sundo ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, ang approved special permits ay mula sa 988 units na nag-apply para makabiyahe sa labas ng kanilang ruta.
Ang special permits ay tatagal mula December 20, 2024 hanggang January 10, 2025.
“They are expected to cater to more commuters this holiday rush, ensuring an efficient and safe travels to all,” dagdag ni Guadiz.
Anya karaniwang nagbibigay ang LTFRB ng special permits sa mga pampasaherong sasakyan bilang dagdag na sasakyan sa tumataas na bilang ng mga pasahero tuwing holiday season.
- Latest