^

Metro

Sinibak na LRTA workers, nag-rally sa SC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sinibak na LRTA workers, nag-rally sa SC
The Supreme Court building along Padre Faura Street in Manila, December 13, 2024.

MANILA, Philippines — Nagkilos-protesta kahapon sa tapat ng Korte Suprema sa Maynila ang mga manggagawa na sinibak ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Hinihiling ng mga raliyista sa Mataas na Hukuman na pagbigyan nito ang kanilang ikalawang motion for reconsideration, matapos na ibasura nito ang kanilang hiling na maipagkaloob ang kanilang hinihinging kumpensasyon.

Nauna rito, noong Agosto, kinatigan ng Mataas na Hukuman ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na nagsasaad na ang mga empleyado ng binuwag na Metro Transit Organization Inc. (MTOI) ay hindi maaaring humingi ng kumpensasyon mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA).

Base sa rekord, ang mga empleyado ng MTOI, na may  operations at management agreement sa LRTA, ay inalis sa trabaho matapos na hindi na i-renew ng LRTA ang kanilang kasunduan, kasunod ng isinagawang strike noong Hulyo 2000.

Dahil dito, naghain ng reklamo ang mga em­pleyado laban sa MTOI at sa LRTA dahil sa illegal dismissal at unfair labor practices.

Malaunan, nagdesisyon ang Labor Arbiter na ang kanilang dismissal ay illegal.

Inatasan din nito ang MTOI at LRTA na bayaran ang kanilang  separation pay at backwages na nagkakahalaga ng P208.2 milyon.

Gayunman, sa desis­yon ng Mataas na Hukuman, sinabi nitong hindi maaaring panagutin ang LRTA dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon dito ng Labor Arbiter at National Labor Relations Commission (NLRC).

RALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with