TNVS at PUVs walang permit to operate - LTFRB
Kung hindi magbibigay ng special fare discount
MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators at drivers ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) at Public Utility Vehicles (PUVs) na sundin ang itinatakda ng batas hinggil sa pagkakaloob ng special discount sa mga PWD, elderly at mga mag-aaral kung ayaw maparusahan ng ahensiya.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 at Republic Act No. 7277 o ng Magna Carta for Disabled Persons, may 20% fare discount ang mga senior citizens, PWDs at mga mag-aaral sa 20% discount tuwing may pasok sa eskuwela batay sa LTFRB memorandum circulars.
“The agency reminded all PUV operators to grant students the discount at all times, including holidays, weekends, and during vacation, 24/7, year-round” ayon kay Guadiz.
Ang paalala ng LTFRB sa naturang mga sasakyan ay ginawa dahil sa mga reklamo sa ahensiya kaugnay nang hindi pag-comply ng mga ito sa naturang mga batas.
Aniya ang mga operators at drivers na mabibigo na sundin ang naturang mga batas ay mahaharap sa mga parusa tulad ng multa, suspension ng franchise operations o pagkansela sa franchise kapag nahuli ang paulit-ulit na paglabag sa batas.
Kaugnay nito nanawagan sa publiko si Guadiz na ipagbigay alam sa ahensiya o sa social media page ng LTFRB ang mga nalalamang hindi pag-comply ng TNVS at PUVs sa naturang mga batas.
- Latest