^

Metro

Tinedyer, tepok, 1 pa sugatan sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang teenager habang sugatan naman ang isa pa, nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Tumanggi muna ang mga awtoridad na pangalanan ang nasawing biktima na 19-anyos lamang habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang paa ang isang 17-anyos na lalaki ngunit nalapatan na ng lunas.

Lumilitaw sa initial report ng Pasig City Bureau of Fire Protection (BFP) na dakong alas-3:35 ng mada­ling araw nang magsimula ang sunog sa 4-Acacia Gahit, Narra St., Brgy. Pinagbuhatan, na pagma-may-ari ng isang Jenny Ignacio.

Umabot lamang naman ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-6:23 ng umaga.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa 30 tahanan ang tinupok ng apoy habang 60 pamilya naman ang nawalan ng tahanan.

Inaalam pa rin naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa tinatayang aabot sa P 1 milyong halaga ng mga ari-arian.

PASIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with