Navotas fire: 5 katao patay
Mga biktima na-suffocate
MANILA, Philippines — Lima katao ang patay kabilang ang apat na menor-de-edad makaraang sumiklab ang sunog kahapon ng umaga sa Navotas City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Sarah Constantino, 41; anak na si Xylem Lorraine, 17, senior high; magkapatid na sina Daniella, 13, grade 8, at Kayla Jocson, 12, grade 6 at Ruthie Tongco, 11, grade 6,
Batay sa inisyal na ulat ng Navotas City Public Information Office nangyari ang sunog dakong alas-7:02 ng umaga sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy.San Roque.
Agad na itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-7:53 ng umaga.
Tumambad naman sa mga bumbero ang walang malay na mga biktima sa loob ng naturang bahay kaya isinugod pa sa Navotas City Hospital.
Pinaniniwalaan na-suffocate ang mga biktima dahil wala namang nakitang sugat o lapnos sa mga katawan nito.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy kung magkano ang halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog habang inalaam pa kung anu ang pinagmulan ng nasabing insidente.
Iniutos naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa mga staff ng CSWDO ang agarang tulong para sa pamilya ng mga biktima kabilang na ang libreng libing/cremation.
- Latest